Korina Sanchez, nag-post ng birthday message para kay Mar Roxas

Image via @korina instagram

Ibinahagi ni Korina Sanchez sa isang post ang pagbati para sa kaniyang asawa na si Mar Roxas sa kaniyang Instagram account noong araw ng eleksyon May 13.

 


“Honey, bilib ako sayo tiniis mo lahat ng demonyo sa paligid mo; am in awe at what you’ve accomplished and contributed to the poor and to this country, ang dami; am very proud of you that you carried on and did the work without making a centavo for yourself; am so excited you may get this chance to serve again. I love you. Happy Birthday,” pahayag ni Korina.

 

 

Sa isa pang post, binati niya ulit ang kaniyang asawa kasama ang kambal na sina Pepe at Pilar na isinurrogate at ipinanganak sa Estados Unidos.

Tumakbo para sa posisyong senador si Mar Roxas ngayong Eleksyon 2019 bagamat sa latest partial results ng Commission on Elections (Comelec) ay hindi siya nakasama sa Magic 12 at nasa ika-labing anim na puwesto na may 9,731,210 na boto.

Facebook Comments