‘Mang Inasal boy’ tinulungan makapagtapos ng kolehiyo ang kasintahan; naging Cum Laude pa!

30158
Courtesy Facebook/Blessy Parreño

Pinatunayan ng isang magkasintahan mula sa Capiz City na hindi balakid ang kahirapan at pangungutya para sabay na abutin ang mga minimithing pangarap.

Ikinuwento ni Blessy Parreno ang sakripisyo at pagtitiyaga ng kasintahan na si RM De Martin upang tulungan siya makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Katakot-takot na panlalait at chismis ang inabot ng kanyang nobyo dahil sa estado nito sa buhay.

Dating construction worker at cook sa Mang Inasal ang high school graduate na si RM.

Lingid sa kaalaman ng mga taong mapanghusga, tinaguyod ng binata ang lahat ng pangangailangan ni Blessy sa loob ng apat na taon.

Kaya ang dalaga, nagsumikap maigi sa pag-aaral at nagtapos bilang Cum Laude sa Capiz State University.

Promoted na din si RM bilang OIC sa isang branch ng sikat na fast food chain.

Narito ang taos-pusong mensahe na isinulat ni Blessy kay RM:

“Manughakot humay, Construction Worker, Cook, at naging OIC Mang Inasal NaKAPAGPATAPOS NG CUM LAUDE👏👏

Hindi KO ikinakahiyang highschool graduate ka, di marunong mag English at taga-uma 👍👍 
Oo ganyan ka kababa sa paningin ng iba, pero di nila alam kung gaano kami ka proud sa narating mo. 
#2019- ISANG MANG-INASAL BOY, NATULUNGANG MAKAPAGTAPOS ANG TAONG MAHAL NIYA. Opoh, tama kayo ng pagkakabasa, isang simpleng lalaki naitaguyod ng apat na taon (AKO).

Nagtiis kmi pareho, nagsikap at pinagtiyagaan ang lahat ng bagay na meron kami. 

Mahirap??? Oo sobra, maraming chismiz, negative thoughts at panghuhusga! Kesyo iiwan ka rin nyan pagkagraduate niya, bakit ka maghihirap dyan eh di muyan kaano ano. 
Ilang beses Kong kinapalan ang aking mukha. Nilakasan ang aking loob. At sa awa ng Diyos, nalampasan namin ang lahat. 

Isang taos pusong pasasalamat, Sayo RM De Martin kung wala ka, wala rin akong mararating. Nandito ako, umasa kang, Hindi ka iiwan at susuklian ang lahat ng iyong paghihirap. 💕💕👍Hindi ako humahangad ng magarang buhay, sapat na sa aking makasama ka at maging masaya kapiling ka. Umasa kang susuklian KO ang lahat ng ginawa ninyo. 👌👌

Para sa FUTURE, para sa lahat ng mapanghusga, para sa mga mapagmataas, para sa mga taong walng ginawa kundi mang Down. 👊👊👊Para sa inyo ang pagsisikap naming dalawa. 

Sayo Boy2x, KAYA NATIN TO, MAHAL NA MAHAL KITA.💖💖

#At sa lahat ng mga nakakabasa, lahat ng batang pinapaaral, sanay huwag sayangin ang paghihirap ng inyong mahal sa buhay, laging tatandaan na ang lahat ay may mabuting dulot kapag sinamahan ng pagsisikap, pagtitiis, pagtitiyaga at higit sa lahat ay pananalig sa Poong may likha. Sabay sabay nating ipagmalaki at pasalamatan ang lahat ng taong naging parte ng ating buhay at tagumpay.👍👍😘😘”

 

 

 

Facebook Comments

From Advertisers