Nakahanda ang Korte Suprema na tanggapin ang anomang posibleng petisyon na idudulog sa kanilang tanggapan kaugnay ng implementasyon ng Good Conduct Time Allowance o GCTA law.
Sa kanyang State of Judiciary Address, sinabi ni Chief Justice Lucas Bersamin na sakaling may makita silang technical at procedural requirement sa isang petisyon kaugnay ng implementasyon ng GCTA law ay tatalakayin nila ito sa Korte Suprema .
Gayunman, ito aniya depende pa rin sa bigat ng laman ng petisyon.
Nilinaw ng Punong Mahistrado na ang tinalakay lamang nila sa naunang petisyon sa usapin ng R.A. 10592 na isinampa ng ilang mga inmates mula New Bilibid Prisons ay ang guidelines ng naturang batas kung maari bang ipatupad ng retroactive.
Facebook Comments