Binasura ng Korte Suprema ang quo warranto petition ni Office of the Solicitor General (OSG) Jose Calida laban sa ABS-CBN Network.
Ayon kay SC Spokesperson Brian Keith Hosaka, hindi ito tinanggap ng korte dahil kasalukuyan ng pinagdedebatehan ang prangkisa ng nasabing network na napaso na noon pang May 2, 2020.
Matatandaang inakusahan ni Calida ang ABS-CBN sa quo warranto case nito ng “highly abusive practices” sa operasyon nito na pay-per-view channel sa ABS-CBN TV Plus na hindi otorisado ng National Telecommunications Commission (NTC).
Maliban dito, ipinupukol rin na paglabag ng nasabing network ang pag-isyu nito ng philippine depository receipts sa mga dayuhan na labag sa batas.
Samantala, nananatili naman ang quo warranto petition laban sa ABS-CBN Convergence Inc.