Ipinag-utos ng Korte Suprema ang pagpapalaya sa dalawang akusado na isinasangkot sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga.
Una nang pinagtibay ng Court of Appeals ang hatol laban kina Francis Valencia at Ryan Antipuesto na nakuhanan umano ng 12.53 grams ng shabu sa Dumaguete City.
Sa 23 pahinang desisyon ng SC 2nd Division, sinabi nila na hindi sila kumbinsido sa depensa ng 2 akusado.
Gayunpaman, nagkaroon ng kwestiyon sa kustodiya ng ebidensiya na nakumpiska mula sa umano’y buy bust operation.
Pangunahing tinukoy ng korte ang pagbabago sa marking ng ebidensiya na batayan sa pag-aresto at hatol sa dalawa.
Paliwanag ng hukuman, kung hahayaan ang ginawang pagbabago sa paper trail ng ebidensiya ay magiging madali na ang pagmanipula sa pagtatala o recording nang pagsasalin kamay ng kustodiya sa mga ebidensiya sa isang krimen.