Aplikasyon para sa 2024 Bar Examination, bubuksan na sa Lunes

 

Muling tatanggap ng Bar applicant ang Korte Suprema para sa 2024 Bar Examination.

Sa bulletin na inilabas ng Korte Suprema, simula sa January 15, Lunes ay bukas na ang Korte para sa mga nais kumuha ng eksaminasyon, na tatagal naman hanggang April 5, 2024.

Pinayuhan din ang mga aplikante ay na kailangan gumawa ng sariling account dahil walang account sa Bar Applicant Registration System and Tech Assistance (BARISTA).


Kailangan kumpletuhin ng mga aplikante o i-update ang kanilang profile, at magbayad ng P12,800 na application fee.

Sa loob ng sampung (10) araw matapos ang notice of approval, lahat ng aplikante ay dapat magsumite ng printed and signed copies ng kanilang application forms kalakip ang mga kopya ng mandatory documentary requirements sa Office of the Bar Confidant (OBC).

Facebook Comments