Kailangan ng Senado ang pinal na desisyon ng Korte Suprema sa naging pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Sa In Focus Forum sa QC, sinabi ni Dating Senador Rodolfo Biazon na dapat may maghain ng petisyon dahil tahimik ang Konstitusyon sa usapin kung isahang kapangyarihan ng Pangulo ang pagbasura sa isang tratado o international na kasunduan
Sa panig naman ni dating Senador Francisco Tatad, kung itinatakda ng Saligang Batas na magkahati ang kapangyarihan ng Senado at Pangulo sa pagpasok sa isang kasunduan, ay dapat lamang na kasama rin ang mga senador sa pagbasura nito
Hindi na aniya kailangan ng isang eksperto sa konstitusyon para maunawaan ito.
Facebook Comments