Korte Suprema, kinumpirma na 22,522 PDLs na ang napalaya sa panahon ng COVID-19 pandemic

Kinumpirma ng Korte Suprema na pumalo na sa 22,522 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang napalaya na sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.

Sa kanyang virtual press conference, sinabi ni Chief Justice Diosdado Peralta na ang mga PDL ay napalaya dahil sa serye ng mga video conferencing hearings sa panahon ng lockdown.

Pagkatapos ng mga pagdinig, ang mga PDL ay nai-release matapos magpiyansa o “recognizance” kapag nakapag-silbi na ng minimum imposable penalty para sa krimen.


Matatandaan na naglabas si Peralta ng circular para sa pilot testing ng mga pagdinig sa pamamagitan ng video conferencing sa mga korte na tinukoy ng Office of the Court Administration.

Sa ngayon, aabot na sa 1,350 trial courts sa key cities sa buong Pilipinas ang napayagan na magsagawa ng pilot test para sa video conferencing sa mga kaso ng PDLs.

Facebook Comments