Kumpiyansa si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na magkakaroon ng maraming reporma sa mga piitan at correctional system ng bansa matapos ang dalawang araw na National Decongestion Summit.
Ayon kay Chief Justice Gesmundo, sinusubukan na ng Korte Suprema ang paggamit ng teknolohiya upang mapabilis ang pagproseso sa mga kaso sa korte ng persons deprived of liberty (PDLs).
Inihalimbawa dito ng Punong Mahistrado ang desisyon na magpapawalang-sala sa isang akusado na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP).
Dito, ipadadala na lamang aniya ng Korte Suprema ang desisyon sa pamamagitan ng email upang maprosesa ang dokumento at agad na mapalaya ang akusado.
Sa kasalukuyan, ay nagpapatuloy ang plenary sessions ng National Jail Decongestion Summit sa Maynila, na nakatakda ring magtapos ngayong araw, December 7.