Korte Suprema, mag-papadala ng mga bus na gagamitin sa court hearings sa Mindanao

Mag-papadala ang Korte Suprema ng bus units ng justice on wheels sa mga hukuman sa Mindanao na may napinsalang mga pasilidad dahil sa magkakasunod na lindol.

Layon nito na matiyak na hindi maaantala ang mga pagdinig sa mga korte sa rehiyon.

Ayon kay Supreme Court Adminsitrator Jose Midas Marquez, kung wala na anyang mapag-lilipatan na lugar ang mga courtroom, at ibang opisina ng hukuman sa mga lugar na naapektuhan ng lindol, maaaring ilipat nila ito sa mga kalapit na lunsod o bayan.


Sinabi ni Marquez  na patuloy din ang kanilang evaluation sa mga tinatanggap nilang report mula sa mga executive judges ng mga sangay ng hukuman, bukod sa  patuloy din silang nakikipagugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa mga lugar sa Mindanao.

Facebook Comments