Mga HPG Personnel na hindi mapanatili sa “good running condition” ang kanilang motorsiklo tatanggalan ng motorsiklo

Nagsagawa ng inspeksyon si PNP Highway Patrol Group Director Police Brigadier General Dionardo Carlos sa mga motorsiklo ng kanyang mga tauhan kahapon ng umaga sa Camp Crame Grandstand sa Quezon City.

Inalam ng HPG chief kung nasa “good running condition” ang mga motorsiklo ng mga ito.

Nais ni Carlos na mapanatili ng kanyang mga tauhan na maayos ang kanilang motorsiklo dahil ginagamit ang mga ito sa anti carnapping at highway robbery operation.


Babala ni Carlos sa kanyang mga tauhan na sinumang magpabaya sa kanilang motorsiklo ay babawiin ito at itatalaga para mag-bantay ng traffic sa EDSA.

94 motorsiklo ang ininspeksyon ni Carlos kahapon at tiniyak na gagawin nya ang inspeksyon buwan buwan.

Sa mga susunod na linggo bibistahin naman ni Brig Gen Carlos ang mga regional Offices ng PNP HPG para kumustahin ang kanilang mga tauhan at inspeksyunin ang mga equipment at tanggapan.

Facebook Comments