Korte Suprema, may abiso sa mga kukuha ng bar exam sa Nobyembre

Manila, Philippines – Maagang naglabas ng abiso ang Korte Suprema para sa mga kukuha ng bar exam sa Nobyembre.

Sa abiso na inilabas sa pamamagitan ng kanilang twitter, pinayuhan ng SC ang mga bar examiners na iwasang dumaan sa Roxas Boulevard patungo sa University of Sto. Tomas.

Isasara kasi ang kalsada base na rin sa nakuhang impormasyon mula sa Manila Police District.


Kaugnay ito ng gaganaping 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa November 12 na natapat sa ikalawang linggo ng bar exam sa UST.

Facebook Comments