Nagbabala ang Korte Suprema sa bar passers na hindi makakasunod sa panuntunan kaugnay ng Oath-Taking Ceremony via video conference sa darating na June 25, 2020.
Ayon sa Supreme Court, magreresulta sa non-attendance sa oath taking at maaaring maging dahilan upang mapagkaitan ang anumang idudulog na petition para makapanumpa bilang abogado ang attendee na magpapakita ng kagaspangan na maaaring maka-apekto sa seremonya.
Paalala pa ng Supreme Court sa bar passers na sumunod sa protocol, proper decorum at maging magalang.
Ang lahat ng manunumpa ay kailangang magparehistro hanggang June 18, 2020 at hintayin ang mga specific instruction at mga protocol tungkol sa seremonya na ipadadala sa email sa loob ng tatlong.
Sa araw ng seremonya sa June 25, 2020, kailangang makasali ang bar passers sa video conferencing mula alas-10:30 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon para sa screening.
Lahat ng hindi makadadalo sa screening ay hindi papayagang makasali sa Oath-Taking.
Lahat ng manunumpa ay kailangang nakasuot ng itim na graduation robes o toga.
Bilang patunay na sila ay dumalo sa oath taking ceremony, inaatasan ang mga bar passer na kumuha ng larawan o screenshot ng video conference na nagpapakita sa kanila at ang En Banc proceedings.
Ang digital copy ng larawan ay dadalhin sa araw ng paglagda sa Roll of Attorneys bilang patunay na sila ay dumalo sa seremonya.