Malawakang “Mañanita Party”, ikakasa ng iba’t ibang grupo sa Biyernes, Independence Day

Sasabayan ng malawang kilos-protesta ng iba’t ibang progresibong grupo ang paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Biyernes, June 12, 2020.

Pero sa halip na kilos-protesta, tinawag na “Mañanita Party” ang gagawing rally.

Magiging sentro ng aktibidad ang panawagang pagbasura sa Anti-Terrorism Bill na ngayo’y naghihintay na lang ng pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Inabisuhan naman ng grupong Movement Against Tyranny ang mga lalahok sa rally na magdala ng alcohol, face masks, tubig at ekstrang damit.

Una nang nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) na gawing mapayapa ang kilos-protesta habang nag-abiso rin ito sa mga pulis na pairalin ang maximum tolerance.

Facebook Comments