Korte Suprema may bago nang mahistrado

Manila, Philippines – May nahirang na ang Pangulong Duterte na kapalit ng nagretirong si Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo.

Ito ay sa katauhan  ni Court of Appeals Justice Rodil Zalameda.

Si Justice del Castillo ay nagretiro noong July 29 sa edad na 70 taong gulang o ang mandatory retirement.


Si Zalameda ang nagkumpleto sa panglabing-limang bakanteng pwesto sa Korte Suprema.

Bunga nito, inaasahan ang muling reorganisasyon sa mga dibisyon ng Supreme Court.

Facebook Comments