Korte Suprema, may paalala sa mga motoristang nahuling lumabag sa NCAP bago inisyu ang TRO

Tiniyak ng Supreme Court (SC) na pinag-aaralang mabuti ng mga mahistrado ang mga petisyon na idinulog sa korte laban sa kontrobersiyal na
No Contact Apprehension Program o NCAP.

Dahil na rin sa agam-agam ng publiko lalo na ang mga nahuli sa NCAP bago ilabas ang TRO, ay nagbigay ng payo si SC spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka sa mga apektadong motorista na hintayin ang magiging desisyon ng SC sa mga idinulog na petition.

Kung hindi man aniya ay antabayanan na lamang ang hakbang na maaaring ilabas ng korte lalo na at batid ng mga mahistrado ang naturang hinaing ng mga motorista.


Ang NCAP ay ipinatupad sa mga lunsod ng Maynila, Valenzuela, Parañaque, Muntinlupa at Quezon City.

Nagtakda naman ng oral argument sa January 24, 2023 ang mga mahistrado upang makuha ang panig ng mga apektadong sektor patungkol sa NCAP.

Facebook Comments