Pinatitigil ng Korte Suprema sa lalong madaling panahon ang implementasyon ng “No Contact Apprehension Policy” (NCAP) ng ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Sa Temporary Restraining Order (TRO) ng Supreme Court, inaatasan din ang Local Government Units (LGUs) o ang respondents na ipatigil ang pagpapatupad ng kanilang ordinansa hinggil sa NCAP.
Nangangahulugan ito na bawal ang paghuli sa mga motorista sa ilalim ng NCAP hangga’t walang pinalalabas na kautusan ang korte.
Inaatasan din ng Korte Suprema ang Land Transportation Office (LTO) at lahat ng partido na huwag magbibigay sa LGUS na nagpapatupad ng NCAP programs at ordinances ng anomang impormasyon ng mga motorista.
Itinakda naman ng Kataas-Taasang Hukuman ang oral arguments sa petisyon ng transport groups sa January 24,2023.