Naglabas ng show cause order ang Korte Suprema (SC) laban kay Cagayan Governor Manuel Mamba, kaugnay sa kusang pagsuko nito sa Kamara nang hindi ipinapaalam sa Korte.
Ayon sa Korte Suprema, dapat magpaliwanag si Mamba at ang kanyang mga abogado kung bakit hindi sila dapat isailalim sa contempt of court para sa pang-aabuso sa mga proseso ng Korte, matapos itong humiling ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa utos ng Kamara na i-detain ito, ngunit sumuko pa rin nang hindi ipinaalam sa SC.
Si Mamba ay pinatawan ng contempt at pinapa-detain sa Kamara kamakailan matapos nitong hindi siputin ng ilang ulit ang mga pagdinig ukol sa umanoy iligal na paglalabas ng pondo ng Cagayan Provincial Government sa election period mula Marso 25 hanggang Mayo 9 noong nakaraang taon.
Dagdag pa ng SC, matapos maglabas ng TRO ang Korte, kumilos ang kampo ni Mamba na bawiin ang petisyon na nauna nitong inihain laban sa mga utos ng contempt at detention sa Kamara.
Sinabi ni SC na ang kanyang mga aksyon ay “nagbigay ng nugatory” o walang halaga sa TRO.
Si Mamba at ang kanyang legal counsel ay kinakailangang magpaliwanag sa loob ng sampung araw bago magpasya ang SC sa withdrawal ng TRO.