COMELEC: Bilang ng mga naghain ng kandidatura sa para sa BSKE, pumalo na sa higit 500k

Pumalo na sa 530,449 ang bilang ng mga naghain ng kandidatura sa para una at ikalawang araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Batay sa pinakahuling datos ng Commission on Election (Comelec), sa 42,001 na posisyon bilang barangay chairman, 41,074 dito ay nag sumite na ng COC.

Nasa 290,107 ang naghain ng COC para sa Sanguniang Barangay.


Para naman sa Sanguniang Kabataan, umabot sa 32,522 ang naghain para sa SK Chairman habang nasa 166,746 ang nakapaghain sa SK Kagawad.

Sa ngayon ay nasa ikatlong araw na ang paghahain ng COC at tatagal ito hanggang September 1, 2023.

Facebook Comments