Ipinaliwanag ni 2023 Bar chair at Supreme Court Associate Justice Ramon Paul L. Hernando ang dahilan kung bakit nais nilang mailabas kaagad ang resulta ng bar examination ngayong taon.
Una ng sinabi ni Hernando na target nilang ilabas ang resulta ng eksaminasyon bago mag-Pasko at magkaroon ng bagitong mga abogado bago ang taong 2024.
Aniya, marami pa rin kasing mga backlogs sa mga Korte sa bansa at kailangan ng mga bagong abogado na magaasikaso sa mga kasong ito.
Maliban dito, nais din ng Korte Suprema na magkaroon sila kaagad ng trabaho at makabawi sa gastos sa pagaaral, pagre-review at pag-take ng exam.
Ito rin ang naging dahilan kung bakit iniksian nila ang dating apat na araw na Bar exam at ginawang tatlong araw lamang.
Facebook Comments