Korte Suprema, nagsimula na sa rapid testing sa mga opisyal at empleyado

Sinimulan na ng Supreme Court ang COVID-19 rapid testing nito sa mga opisyal at empleyado.

Dalawang medical tents ang inilagay sa labas ng bago at lumang gusali ng Supreme Court sa Padre Faura St. sa Maynila para sa rapid testing.

Partikular na isinailalim sa rapid test ang mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema na nagsilbing skeleton staff sa panahon ng community quarantine.


Kapag sinimulan na ang full operation ay isasailalim din sa COVID-19 test ang iba pang mga empleyado ng Kataas-taasang Hukuman.

Personal din na ininspekyon ni Chief Justice Diosdado Peralta ang medical tents kung saan isinasagawa ang rapid testing.

Facebook Comments