3 ARESTADO SA ILIGAL NA SUGAL

18

Lezo,Aklan- Arestado ang tatlong kalalakihan matapos mahuling nagsusugal kahapon sa Sitio Manapay Brgy. Agcawilan Lezo Aklan.
Ang mga suspek ay kinilala na sina Jerold Isanan, 21 anyos, Eduardo Besana, 29 anyos at Raziel Israel, 23 anyos at parehong residente ng naturang lugar.
Ayon sa report ng Lezo MPS, nakatanggap umano sila ng impormasyon na may naglalaro ng tong its sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkadakip ng tatlo.
Narekober mula sa mga ito ang isang set ng baraha at P113 na taya.
Sa ngayon nasa kostudiya ang mga ito ng Lezo PNP at nakatakdang ng kasong paglabag sa PD1602 o Illegal Gambling Law.

Facebook Comments