Manila, Philippines – Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon na nagdedeklarang iligal at unconstitutional ang tinatawag na clustering scheme ng Judicial and Bar Council.
Kasunod ito ng pagbasura ng Korte Suprema sa Motion for Reconsideration-In-Intervention ng JBC dahil sa kawalan ng merito.
Sa ilalim ng clustering scheme, ang JBC ay pumipili at nagsusumite ng hiwalay na mga listahan ng mga kandidato para sa bawat bakanteng posisyon sa Hudikatura.
Pero ang mga listahan ay hindi pwedeng paghaluin at dapat pipili lamang ang Pangulo mula sa partikular na listahan na inihanda ng JBC para sa isang partikular na pwesto sa Hudikatura.
Ayon pa sa Korte Suprema, ang clustering ay maaari ring gamitin ng JBC para mapaburan ang ilang nominado.
Ang appointing powers ng Pangulo ay hindi rin umano maaring limitahan ng clustering scheme ng JBC.