Kinalampag ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang Korte Suprema na madaliin ang desisyon sa pinakahuling petisyong inihain para sa kanselasyon ng kandidatura ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Umaasa ang kongresista na hindi matutulad sa delayed resolution ng Commission on Elections (COMELEC) ang magiging resolusyon dito ng Korte Suprema.
Aniya, ang anumang delay sa desisyon o panghihimasok sa proseso ay magbibigay ng duda sa independence ng institusyon.
Hinihiling ng mga petitioner sa kataas-taasang Hukuman na pigilan ang Kongreso sa pag-canvass ng boto ni Marcos at ang pagpoproklama rito bilang pangulo ng bansa.
Dagdag pa ng Bayan Muna solon, ang mabilis na paglalabas ng resolusyon at ang bigat ng pagpapasya ng korte ay mga bagay na hindi dapat binabalewala.