MANILA – Pinayagan ng Korte Suprema na tumakbo sa pagkapangulo si Sen. Grace Poe sa halalan 2016.Sa botong 9-6, nagdesisyon ang Korte Suprema na kwalipikado si Poe na tumakbo matapos paboran ang dalawang petisyon laban sa pagdisqualify ng Comelec sa Senadora.Ayon kay Sc Spokesman Theodore Te, umabuso sa kapangyirahan ang Comelec ng kanselahin nito ang Certificate of Candidacy ni Poe.Pag-aaralan ng Comelec ang sunod na hakbang matapos ibasura ng Korte Suprema ang desisyon ng poll body.Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, pag-uusapan muna ng Comelec En Banc kung maghahain sila ng Motion for Reconsideration.Kaugnay nito, itinuturing ni senator poe na tagumpay ng bawat pilipino ang pagpabor ng korte suprema sa kanyang pagtakbo sa 2016 election.Dismayado naman ang mga petitioner laban pagpabor ng Korte Suprema sa kandidatura ni poe.Si Sen. Kit Tatad, isa sa mga petitioner, plano ng iapela ang nasabing desisyon.Iginiit ni Dean Amado Valdez na pagsira sa konstitusyon ang pagpanig ng SC sa kandidatura ni Poe.Dahil dito, naghain na sila ng Motion for Reconsideration bukod pa sa posibleng pagsasampa ng impeachment complaint laban sa siyam na mahistradong pumabor kay Poe.
Korte Suprema, Pinayagan Si Senador Grace Poe Na Tumakbo Sa Election 2016… Pero, Comelec – Iaapela Ang Desisyon…
Facebook Comments