Itinalaga ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta si Judge Grace Chavez-Ty para hawakan ang kasong iligal na droga ni Senadora Leila De Lima sa Muntinlupa RTC Branch 256.
Si judge chavez-ty ay kasalukuyang hukom ng manila rtc branch 177, at umaakto ding presiding judge ng manila rtc branch 44.
Dahil sa kanyang bagong posisyon, pinabibitiwan na din ng SC kay Judge Chavez-Ty ang paghawak sa Branch 44 ng Manila RTC.
Nauna nang sumulat sa Korte Suprema si Senador Leila De Lima para hilinging magtalaga ng panibagong hukom sa kasong iligal na droga laban sa kanya na nakabinbin sa Muntinlupa RTC Branch 256.
Ang hukom na pansamantalang itinalaga sa kaso niya bilang pairing judge na si Muntinlupa RTC Branch 276 judge Antonietta Medina ay nag-abisong hindi na magsasagawa ng anumang pagdinig sa drugs case.
Binanggit ng senadora, dalawang beses na rin nag-inhibit si Medina sa isa pa niyang nakabinbing illegal drug case sa Muntinlupa Court dahil sa kaklase at kumare niya si De Lima.
Bago naman naitalaga si Medina sa paghawak sa kaso, pinalitan niya si Branch 256 Presiding Judge Gener Gito na nauna ng inalis ng Supreme Court.