Hinihintay pa ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ang tugon ng Pasig at Quezon City Regional Trial Court sa hiling na padaluhin sa imbestigasyon si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy.
Sa ngayon ay wala pang tugon ang dalawang korte sa hiling ni Senate Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros na paharapin si Quiboloy sa pagdinig sa October 23 patungkol sa mga reklamo ng pang-aabuso sa maraming mga kababaihan at kabataan ng KOJC.
Umaasa si Hontiveros na hindi rin papayag ang mga korte sa hiling ng kampo ni Quiboloy sa korte na huwag siyang payagang dumalo sa pagdinig sa Senado.
Giit ni Hontiveros, ang Senado ang unang naghain ng arrest order laban sa Pastor upang mapilitan itong magpakita sa imbestigasyon.
Wala na rin aniyang rason pa si Quiboloy na hindi humarap sa pagsisiyasat ng mataas na kapulungan lalo’t hawak na siya ng mga awtoridad.