Koryano, idedeport dahil sa kasong swindling

Manila, Philippines – Nakatakdang i-deport sa Korea ang 41-anyos na si Park Patero, dahil sa kinasangkutan nitong swindling pitong taon na ang nakakaraan.

Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente, Oktubre, 2012 pa nang magtungo sa Pilipinas si Park at mula noon ay hindi na lumabas pa nang bansa.

Tinatayang nasa 60 milyong pisong halaga ang natangay ni Park sa kapwa nito Koreano makaraan nitong mangutang sa dahilang mag-iinvest raw siya sa isang cosmetic business, at nangakong magbabayad ng 4% na interes ng kaniyang utang kada-buwan, ngunit hindi ito tumupad.


Naaresto si Park noong Setyemre 26, sa tinutuluyan nitong bahay sa Plaridel St. Barangay Sto. Niño Angeles, Pampanga.

Facebook Comments