Kostumer na sapilitang pinahawak ang ari sa massage therapist, kulong

Arestado ang isang call center agent matapos ireklamo ng pambabastos ng isang massage therapist makaraang magpamasahe ito at pilitin ang biktima na hawakan ang kaniyang ari.

Sa report mula sa Eastern Police District (EPD), kinilala ang suspek na si Chris Henry Santiago y Dayao, 39-anyos ng Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Ayon sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Anna, 18-anyos, naganap ang insidente, Lunes, nang magpa-home service ang suspek.


Habang nagmamasahe, hinawakan umano ng suspek ang kaniyang kamay at pilit pinahawak sa kanya ang ari nito.

Nang pumiglas, nagulat na lang daw siya nang mag-masturbate ang suspek sa harap niya.

Sa takot ay tumakbo palabas ang biktima at nagsumbong sa tiyuhin na sumama sa kanya para ireklamo sa pulisya ang suspek.

Nahaharap sa kasong unjust vexation ang suspek na nakakulong ngayon sa Marikina detention cell.

Facebook Comments