Kostumer sa fast-food chain namaril dahil sa tinidor, tisyu

Photo courtesy: WLKY

Isang kostumer ng KFC sa Kentucky, US ang nagpaputok ng baril nang makalimutang bigyan ng tinidor at tissue, nakaraang Lunes.

Pinagbabaril ng babae mula sa Shelbyvile ang bintana sa drive thru matapos makitang walang tinidor at tissue sa kanyang in-order, base sa salaysay ng mga nakasaksi.

Ayon sa Shelbyville Police Department sa ulat ng Newsweek, balisa umano at marahas ang pananalita ng African American na kostumer noong bumibili ito.


Nang iabot na ang order nito, sumunod ang putok ng baril sa bintana na nanggaling sa sasakyan ng babae.

Mabilis umanong umalis sa lugar ang suspek sakay ng kanyang Mercedes Benz.

Kinumpirma naman ng tagapagsalita ng KFC na walang nasaktan sa insidente.

Buong araw na isinara ang fast-food chain dahil dito.

Facebook Comments