Estudyante nahulihan ng mga baril sa Pangasinan, arestado

Timbog ang isang estudyante sa San Carlos City matapos itong mahulihan ng mga de kalibreng baril.
Kinilala ang suspek na si Miguel Bugayong, 25 anyos at isang estudyante ng ALS at residente ng Brgy. Tayambani ng naturang siyudad.
Nagtungo umano ang pwersa ng pulisya sa tahanan ni Bugayong para maghalughog dahil sa iligal na droga ngunit mga baril ang tumambad sa otoridad.
Nakuha mula sa kanya ang kalibre 38 na baril na may limang lamang bala, isang caliber 22 revolver.
Dinala naman sa PNP Crime Laboratory Ang nakumpiska upang dumaan sa ballistic examination.
Kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law of firearms and Ammunition ang kakaharapin ng suspek.

Facebook Comments