KOTONG COPS | 3 pulis at isang sibilyan arestado dahil sa pangongotong sa mga may-ari ng junkshop

Valenzuela City – Arestado ang tatlong pulis at isang sibilyan matapos ang ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task Force o CITF sa Barangay Ugong Valenzuela City kagabi.

Kinilala ang mga pulis na sina SPO4 Seraffin Adante; PO1 Ryan Paul Antimaro; PO1 Rey Harvey Florano; habang ang sibilyang kasama nila ay kinilalang si Amado Baldon Jr.

Ayon kay PNP CITF Spokesperson Police Chief Inspector Jewel Jicanor alas-9:15 ng gabi kagabi nang isagawa ang entrapment operation matapos na makumpirma ng PNP intelligence group ang ginagawang pangongotong sa mga may-ari ng mga junkshop.


Ang mga suspek ay nangongolekta ng tig 200 hanggang 500 piso sa mga junkshop owner sa Mindanao Avenue extension Barangay Ugong Valuenzula.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng PNP CITF sa Camp Crame ang mga naarestong pulis at sibilyan.

Facebook Comments