Kotse at pera ng isang negosyante tinangay ng kaniyang kaibigan sa Sual Pangasinan

Tinangay ang kotse ng isang negosyante sa Sual Pangasinan ng kaibigan nito at dating katrabaho.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, nagpunta umano ang suspek na si Juluis Cortez sa tahanan ng biktimang si Edwin Fernandez at nagpapahanap ng buyer ng lupa nito pambayad umano sa kaniyang mga utang.
Nang magising ang biktima, narinig nito ang pagkaripas ng sasakyan na minamaneho na ng kaniyang kaibigan.
Kinuha rin ng suspek ang pitaka na naglalaman ng 8, 000 at cellphone.
Sinubukan pa umanong habulin ng biktima ang suspek ngunit sa bilis ay hindi na nito naabutan.
Pinaghahanap na ng awtoridad ang suspek na tumangay ng gamit na umabot sa halagang 220, 000.
###
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>

Facebook Comments