Comelec Registration para sa mga PWD’s at Senior Citizen isasagawa ngayong araw sa Dagupan City

Aarangkada ngayong araw ang special at exclusive registration ng Commission on Elections (COMELEC) para sa mga persons with disability (PWD’s) at Senior Citizen.

Ayon kay Attorney Michael Frank Sarmiento ng COMELEC Dagupan, maliban sa mga offsite registration sa mga paaralan at barangay hall ng lungsod na target ang mga kabataan gagawin din ang special registration para sa mga PWD’s at Senior Citizen upang hindi na masabay sa volume ng mga nais magparehistro. Isasagawa ito sa Dagupan City Plaza sa oras na 9:00-3:00 ng Hapon.

Samantala, inaasahan na aabot sa 2 milyon ang botante sa Pangasinan na isa sa mga rich vote sa Pilipinas.


Facebook Comments