Kotse nalaglag mula sa ikalawang palapag ng hotel sa Ortigas, Pasig City

605
Image via Joshua Lacap

Nahulog ang isang 4×4 Ford Ranger mula sa ikalawang palapag ng The Malayan Plaza Hotel Ortigas, Pasig City nitong Biyernes ng umaga.

Sugatan ang biktimang si Rocky Pagaran Yabut, 30, at agad dinala sa Rizal Medical Center para bigyang lunas ang natamong bali sa kanyang binti at braso.


Sa paunang imbestigasyon ng Eastern Police District, lumabas na nasa parking area ang sasakyan nang biglang malaglag mula sa mataas na gusali.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, naalis ang bakal na barandilya ng hotel at tuluyang sumadsad pababa.

Naganap ang insidente bandang 11:25 ng umaga sa intersction ng Topaz at Opal Roads sa Brgy. San Antonio.

Sinisiyasat pa rin ang dahilan kung bakit lumagapak ang kotse. Wala pang binibigay na pahayag ang pamilya ni Yabut at pamunuan ng hotel.

Facebook Comments

From Advertisers