Lalaki, sinabuyan ng asido ang mukha ng bagong jowa ng ex

214
Handcuffs

Inaresto ang isang lalaki sa Albay matapos mapag-alamang nagsaboy ng asido sa mukha ng isang babae noong Mayo.

Kinilala ang suspek na si Ramon Collada, 30, na inaakusahang nagsaboy ng asido sa mukha ni Glory Cris Cuerda noong nasa Pasay City sila, Mayo 15.


Dinakip ang suspek sa Quinale village, Tabaco City bandang tanghali, ayon kay Albay Police Director Col. Wilson Asueta.

Sinabi ng pulisya na selos ang dahilan ni Collada.

Nagawa ito ng suspek matapos malaman na ang dati niyang karelasyon ay boyfriend na ngayon ng biktima.

Tumama umano sa mata ng biktima ang asido na maaaring mauwi sa pagkabulag.

Facebook Comments

From Advertisers