Kotse, sumabog nang magsindi ng sigarilyo ang driver

1336

Nagdulot ng pinsala at pagkabasag ng ilang parte ng sasakyan matapos magkaroon ng pagsabog dahil sa pagsisindi ng yosi ng driver bandang alas 3PM Sabado, sa Halifax town centre, England.

Ayon sa pulisya, nagsimula ang pagsabog nang magsindi ng yosi ang driver ng kotse ilang sandali matapos mag-spray ng aerosol can air freshener.

Hindi raw muna pinasingaw ng driver ang sasakyan nang magsigarilyo ito habang nasa kalagitnaan ng trapiko.


Dahil sa nangyari, pansamantalang ipinasara ang kalye na pinangyarihan ng insidente.

“The fumes exploded and blew out his windscreen, along with some windows at nearby business premises,” saad ng pulis.

Samantala, nagtamo ng minor injuries ang driver ng kotse matapos ang pangyayari.



Pinaalalahanan naman ng awtoridad ang mga driver na maging maingat sa paggamit ng can air fresheners.

Facebook Comments