Kredibilidad ng mga “star witness” ng Senado na nag-uugnay sa Makabayan Bloc Representatives sa CPP, kinuwestyon ni Chairperson Colmenares

Kinuwestiyon ni Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares ang kredibilidad ng mga “star witness” ng Senado na nag-uugnay sa Makabayan Bloc Representatives sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay Colmenares, walang basehan at mga patunay ang sinasabi ng testigong si Jeffrey Celiz na front lamang ng CPP ang Bayan Muna.

Una na rin aniyang napasama si Celiz sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 kaya malaki ang posibilidad ng nagsisinungaling ito.


Kasabay nito, itinanggi rin ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang mga paratang na opisyal siya ng CPP.

Paliwanag ni Zarate, hindi kinokontrol ng komunista ang grupong Bayan Muna.

Ang Bayan Muna kasi aniya at iba pang miyembro ng Koalisyong Makabayan sa House of Representatives ay mga lehitimong mga partido na naniniwala sa paglahok sa parliamentaryong pakikibaka, para sa pagsusulong ng mga reporma at pagbabago sa lipunan na malayo sa paratang na ibinabato sa kanila.

Facebook Comments