Ibinatay lamang ng PNP Criminal Investigation and Detection Group o PNP- CIDG sa mga testigo at ebidensya ang pagsasampa nila ng patong-patong na kaso laban kina Vice President Leni Robredo at 29 na iba pa.
Ito ang pahayag ni PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde, matapos na pormal nang isampa sa Department of Justice si Peter Jomel Advincula alyas Bikoy bilang testigo ng PNP- CIDG ang mga kasong sedition, inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa, harboring a criminal at obstruction of justice laban kina Vice Pres Robredo at 29 na iba pa.
Ito ay may kaugnayan sa “Ang totoong Narcolist” videos na nag-uugnay kay Pangulong Duterte at ilang miyembro ng kanyang pamilya sa iligal na droga.
Ayon kay Albayalde, kung ang kredibilidad ni Alyas Bikoy ang kinikwestyon bilang testigo ng CIDG, hindi aniya PNP ang tutukoy nito sa halip korte ang gagawa ng pagtukoy sa kredibilidad ni Alyas Bikoy.
Sa panig aniya ng PNP ang mga testimonya ng testigo at mga pinanghahawakan nitong ebidensya ang pinagbatayan ng PNP- CIDG para masampahan ng kaso ang bise presidente at 29 na iba pa.