Kredibilidad ni dating SPO3 Arturo Lascañas, tiniyak na masusubukan sa pagdinig ng senado hinggil sa Davao Death Squad, ngayong araw

Manila, Philippines – Tuloy ang pagharap ni retired SPO3 Arthur Lascañas ngayong araw sa pagdinig ng senate committee on public order and dangerous drugs hinggil sa Davao Death Squad.
 
Sa isang interview sinabi ni senator Antonio Trillanes IV, idedetalye ni Lascañas ang mga pagpatay ng DDS na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong mayor pa ito ng Davao City.
 
Aniya, naisumite na ni Lascañas ang kaniyang sinumpaang salaysay kay Sen. Panfilo Lacson, chairman ng naturang komite.
 
Bukod sa sinumpaang salaysay, mayroon ring sinumite si Lascañas ng dalawang oras na videotaped na naglalaman ng lahat ng kaniyang nalalaman kaugnay ng DDS.
 
Tiniyak naman ni Lacson na masusubukan ang kredibilidad ni Lascañas lalo’t una na nitong binawi ang kaniyang mga naunang pahayag.
 
Maliban kay Lascañas, iimbitahan rin sa pagdinig ang PNP at mga kinatawan ng Commission on Human Rights (CHR) para hingin ang naging report nito hinggil sa DDS.

Tag: RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”

Facebook Comments