Tumaas ang bilang ng mga krimen na naitatala sa bansa mula nang ilagay sa maluwag na Alert Level 1 ang maraming mga lugar.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP)-Directorate for Investigation and Detective Management and Crime Research Analysis Center, tumaas ng 5.61 percent o katumbas ng 1,584 ang mga krimen na naitala sa bansa mula February 22 hanggang March 22, 2022.
Lumalabas kasi na 29,798 ang kabuuang bilang ng krimen na naitala noong March 22 mataas kumpara sa 28,214 noong February.
Matatandaang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na dahil sa mas maluwag na restrictions ang dahilan sa pagtaas ng krimen tulad ng pagnanakaw.
Kaya naman ay pinag-iingat ng PNP at DILG ang publiko sa kanilang paligid lalo na sa mga nagpupunta sa matataong lugar.