Tumatakbong congresswoman sa Palawan, arestado sa Bouncing Check Law

96
Photo Courtesy: Pasig PNP Facebook Page

Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang tumatakbong congresswoman ng 2nd District ng Palawan makaraang magpalabas ng warrant of arrest ang Metropolitan Trial Court Branch 71 ng Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Magnolia May San Jose y De Leon, 47 anyos, residente ng No.147 Stanford Street, Provident Village, Brgy. Jesus dela Peña, Marikina City.

Inaresto si San Jose sa kasong paglabag sa Bouncing Check Law o BP 22 sa Arcovia City, Brgy.Ugong, Pasig City.


Nakapiit na sa Pasig City Custodial Facility ang naturang suspek para sa proper disposition.

Facebook Comments