Bumaba ng 4% ang total index crime sa Metro Manila sa unang walong buwan ng 2022 kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PBGen. Jonel Estomo, mula sa 5,202 cases ng 8 focus crime noong 2021, bumaba ito ng 218 ngayong taon na nasa 4,984.
Kabilang dito ang insidente ng murder, carnapping, robbery at rape kung saan umaas din ang bilang ng mga naresolbang kaso sa 71% mula sa 68%.
Sa kabila nito, bahagyang tumaas ang kaso ng physical injury at homicide sa 6.76% at 6.02% dahil sa pagluwag ng quarantine protocol kontra COVID-19.
Nagkaroon din ng bahagyang pagtaassa kaso ng theft na nasa 0.90%
Sinisiguro naman ng NCRPO na patuloy ang kanilang programa sa ilalim ng “SAFE NCRPO” upang matiyak ang seguridad at katahimikan sa Metro Manila.