Krimen sa MIMAROPA, bumaba ayon sa PNP

Nakapagtala ang Police Regional Office 4B (PRO-MIMAROPA) ng 12.52% ng pagbaba ng krimen sa unang limang buwan ng taong ito kumpara sa nakalipas na taon.

Batay sa ulat ni PRO-MIMAROPA Regional Director PBGen. Sidney Sultan Hernia kay PNP Officer-in-Charge PLt. Gen. Vicente Danao Jr., 1,858 insidente ng krimen ang naitala sa rehiyon mula January 1 hanggang May 31 ng taon, kumpara sa 2,124 insidente na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sa walong focus crimes na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injuries, rape, theft, robbery, carnapping, at motornapping, 300 insidente ang iniulat sa taong ito, na mas mababa ng 14 na porsyento sa 349 insidente noong nakarang taon.


Pinakamalaki ang ibinaba ng carnapping, na nasa 100%; kasunod ang rape, na bumaba ng 35% at physical injuries, na bumaba ng 16 na porsyento.

Ayon kay PCol. Gil Francis G. Tria, Deputy Regional Director for Operations ng PRO-MIMAROPA, ang pagbaba ng krimen sa kanilang area of responsibility ay resulta ng pinaigting na focused at simultaneous anti-criminality law enforcement operations (SACLEO) sa rehiyon.

Facebook Comments