4, patay sa mass shooting sa Oklahoma

90

Apat ang nasawi sa nangyaring pamamaril sa isang hospital campus sa Tulsa, Oklahoma ngayong Huwebes (oras dito sa Pilipinas).

Ayon kay Tulsa Police Department Deputy Chief Eric Dalgleish, kabilang ang gunman sa mga nasawi na pinaniniwalaang nagbaril sa sarili.

Ilang indibidwal din ang nasugatan kung saan isa ang kritikal.


Bago ito, nakatanggap ng ulat ang pulisya hinggil sa pamamaril sa natalie medical building na opisina ng mga doktor sa St. Francis Hospital Campus na agad nilang narespondehan sa loob lang ng limang minuto.

Ayon kay Dalgleish, malapit na nilang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na armado ng isang rifle at handgun.

Inaalam na rin nila ang motibo sa pamamaril.



Samantala, ayon kay Marco Lopez ng Philippine Consulate General in Houston, Texas, walang Pinoy na nadamay sa insidente.

Nabatid na ito na ang ika-233 mass shooting na naitala sa Amerika ngayong taon.


Facebook Comments