Kris Aquino, binati si James Yap sa kanilang 13th wedding anniversary

Nitong nakaraang araw lamang ginunita at inalala ni Kris ang pag-iisang dibdib nila ni James Yap sa Instagram . Nagpost ang TV-Host Actress ng mga picture na naglalaman ng qoute na: “She is at a place in her life where peace is her priority and negativity cannot exist.” at “PEACE in our hearts, in our home, in our world.”

 

Kasama na rin ang caption na: “13 years ago today we made a commitment. “BUT fate took us in different directions. “Yet together we produced 1 of my 2 greatest achievements aka BIMB…”

Nagpahayag din ng mensahe si Kris para sa dating asawa at sa bagong pamilya nito: “I sincerely wish you & your growing family peace & lasting happiness.”

Wala mang pangalan na binanggit si Kris sa kaniyang mga post, malinaw na ang PBA player ang kaniyang pinatutungkulan.

Base sa mga ginamit nitong hashtags, tila dahil sa kanilang anak na si Bimb kaya siya nagpost ng mensahe na ito.

Ikinasal ang TV host actress na si Kris Aquino sa isang PBA Player na si James Yap noong July 10, 2005. Naganap ang Civil Wedding na ito sa bahay ng tanyag na TV host at noong business manager ni Kris na si Boy Abunda sa Quezon City.

Matatandaang ilang linggo lamang nang patutsadahan ng TV host actress ang dating asawa nito na si James ukol sa pagbati nito sa kanilang anak na si Bimby.

Facebook Comments