Kris Aquino, gustong kaibiganin si Terrence Romeo

Matapos ang naging kontrobersyal na laban ng Gilas Pilipinas at Australia Boomers sa Philippine Arena noong Lunes ay nagpost si Terrence Romeo sa kaniyang Instagram account noong Martes na humihingi ng pasasalamat sa pagsuporta sa kanilang laban. Humingi rin siya ng pasensya sa naganap na gulo na naging usap-usapan lalo na sa social media.

🙏🇵🇭 #Gilasasone

A post shared by Terrence Bill Romeo (@tbvrome07) on


Sa post na ito ni Terrence ay nagbigay ng komento ang nagiisang ‘Queen of all Media’ na si Kris Aquino kung saan gusto raw niyang maging kaibigan ang basketball player. Sumagot din si Terrence na nais niyang maging kaibigan ang TV host/actress/social media influencer.
Sinabi rin ni Kris na may pagkakapareho sila ni Terrence sa kanilang pananaw sa buhay.
“You’ve been raised well by your parents- nag SORRY ka pero pinaintindi mo ng klaro ang paninindigan mo”.
Sinagot naman ito ni Terrence ng “Maraming salamat po Ma’am. It takes one to understand one. Keep supporting Gilas po. God bless you and your family.”
Sari-sari naman ang naging reaksyon ng netizens tungkol rito. Ang ilan ay sinasabing tino-tolerate ni Kris ang violence. Ang iba naman ay binibigyang koneksyon ang pakikipagkaibigan ni Kris kay Terence sa dati nilang mga karelasyon. Si Vice at ex-husband ni Kris na si James Yap ay magkaibigan at business partners sa kanilang gastropub na District 8. Gayundin ay matalik na magkaibigan sina Kris Aquino at Vice Ganda.



Facebook Comments