Sa isang video-slideshow sa instagram ibinahagi ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang mga dahilan kung bakit naudlot ang espesyal na pagkakaibigan nila ni Mayor Herbert Bautista. Makikita sa video ang iba’t ibang quotes tungkol sa pagkakaibigan at ilang mga larawan ni Kris at Mayor Herbert.
Ayon sa caption ni Kris, naging hadlang raw ang kanilang personal na mga responsibilidad maging ang pagkakaroon nila ng sari-sariling anak sa mga dati nilang naging karelasyon. Dagdag pa ni Kris ay wala naman daw siyang pinagsisisihan kung hindi man sila nagkatuluyan ni Mayor Herbert.
Aniya, ” 4 years ago we reconnected & attempted a “relationship”- but life & responsibilities got in the way…4 years after I’m proud of the choices we made because we both have children we love & are very proud of. And he did right by prioritizing them…”
Sa dulo ng kanyang caption ay ipinaalala niyang handa na siya muling ipagpatuloy ang bagong chapter sa buhay niya. Looking forward pa rin daw si Kris sa bagong “character” na papasok sa kaniyang buhay dahil naniniwala siyang deserve niya ang isang love story na may happily ever after.