Kris Aquino, inalala ang kadakilaan ng “Ama ng Demokrasya” na si Ninoy

Ibinahagi ni Kris Aquino ang mga natutunang aral mula sa ama na si Ninoy Aquino, tinaguriang “Ama ng Demokrasya”, sa kaniyang social media nitong Martes ng gabi, Agosto 20.

Ipinahayag ng aktres kung paano siya binigyan ng inspirasyon ng dating senador upang tuparin ang kaniyang mga pangarap.

“In loving remembrance of the first man who gave me the courage and the wings to believe in my dreams, together with all my love for the woman who instilled in me, the backbone to make sure my childhood wishes became reality,” aniya.


Binalikan rin ni Kris ang kabutihang loob ng kaniyang ama at kung paano nito ipinapakita ang pagmamahal at importansiya sa ibang tao.

Hinahangaan niya rin ang ina na si Cory Aquino kung paano siya prinotektahan at tinuruan na maging pinakamahusay na bersyon ng kaniyang sarili.

“Dad knew how to make people feel special and important. Mom knew how to make us feel protected and encouraged us to be the best versions of ourselves,” ani ng aktres.

“God blessed me way more than I deserved with the parents who gave me life, and the sons na ngayon naman, ako na ang nagpapalaki,” dagdag niya.

Iginugunita ngayong araw, Agosto 21, ang kamatayan ni Ninoy sa dating Manila International Airport na naghudyat ng rebolusyon sa diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Facebook Comments