Kris Aquino, ipinagtanggol ang kanyang mga magulang laban kay Mocha Uson

Naghamon ng harapang debate si Kris Aquino kay MOcha Uson matapos sa di umano’y pambabastos ni Mocha sa mga namayapang magulang ni Kris. Base ito sa sunud-sunod na Instagram at Facebook live ng aktres noong June 5.
Sa Instagram at Facebook live ni Kris ay inamin niyang ikinagalit niya ang ginawang pambabastos ni Mocha sa mga magulang niya.
“Sobra ka na, e. Yung ginawa mo, ang mga sinaktan mo, mahal na mahal ko. Ganito na lang, ha? Diretsahan na, babae sa babae, gusto mo ng kaaway? I’m ready. Anytime, anywhere, harapan. Gusto mag-debate, keri. Gusto mo gawin natin yung eksena sa movie?”
Nag-ugat Kaugnay ito sa Facebook post ni Mocha kung saan makikita ang paghalik ni President Duterte sa isang Pinay na OFW sa South Korea. Ang post na iyon ay umani ng maraming negatibo at samu’t saring pambabatikos mula sa mga netizens.
Ayon naman kay Mocha, wala raw itong pinakaiba sa dating video kung saan ninakawan ng halik ang dalawang Pinay noong August 21, 1983 habang sakay ng eroplano si President Ninoy na ama ni Kris Aquino.
Sa huli, muling nagbabala si Kris kay Mocha, “Wala akong uurungan. At hindi kita uurungan.”

Facebook Comments